Tatlo lang, tatlo lang ang ibig sabihin ng bagay na 'yon.
Una, yung nararamdaman mo para sa mga kahalubihi mo, sa madaling salita, sa mga kaibigan mo. Parang sa TV, si sidekick: puwede mo batukan at puwede mo rin maasahan. .
Pangalawa, yung nararamdaman mo para dun sa Santo - kahit hindi naman karapat dapat santuhin, sinasanto pa rin. Mejo may pagkatarantado ang dating mo, pero ganoon talaga dahil sa rason na kaunting ngiti lang mula sa kanya lang ay tuwang tuwa ka na. Kung tarantado ka, tarantado rin siya. Parang si Pakito lang.
Pangatlo, yung nararamdaman mo para sa kanya. Hindi na kailangan ipaliwanag, kasi ang katotohanan, natatanga ka lang sa kaiisip.
--------------------------------------------------------------------------
Tuwang tuwa ka naman at naikwento ko sayo ang mga ito. Tumawa ka na lang kaibigan. Tandaan mo rin, ang libro natin, malapit na matapos.